EMPOWERING JUANA'S THROUGH KNOWLEDGE SHARING

EMPOWERING JUANAS THROUGH KNOWLEDGE SHARING

Bilang pagpupugay sa mga kababaihan sa lipunan, itinalaga ng pamahalaan ang Marso ng bawat taon na buwan ng mga kababaihan o National Women's Month, at sa pamamagitan ng Philippine Commission on Women, ito ay isang matibay na pagkilala sa kakayahan ng mga kababaihan na mag-ambag sa pag-unlad ng lipunan.

Sa temang "Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patunayan,", binibigyang diin nito ang nararapat na pagkilala sa mga kakayahan ng mga kababaihan sa ating lipunan. Sa inisyatibo ng mga kababaihang nagpamalas ng kanilang mga kakayahang mamuno na sina Bb. Pilar G. Cabauatan – Hepe, MARIIS Administrative and Finance Division at Ginang Sherry Ann R. Tolentino – namumuno sa MARIIS Head Office Administrative Section, isinagawa ang isang Gender Sensitivity Seminar simpleng programa para sa mga kababaihan ng MARIIS Head Office bilang pagdiriwang sa National Women’s Month.

Simple man ang naging selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan, sa pamamagitan ng nasabing Gender Sensitivity Seminar, ito ay puno ng kaalaman. Tinalakay ang mga karapatan ng mga kababaihan sa lipunan at ang mga kaukulang batas na nagsusulong dito, gaya ng Safe Spaces Act (RA 11313), Anti-Sexual Harassment Act of 1995 (RA 7877), at marami pang iba. Naipaalam din sa mga siyam-napung (90) dumalo ang mga natatanging kakayahan ng mga kababaihan sa paghubog ng isang lipunang marunong kumilala at rumespeto sa mga abilidad ng kababaihan, na ang mga babae ay may kakayahang makipagsabayan sa mga hamon at gawain sa lipunan. Ang pangunahing tagapagsalita sa programang ito ay isa ring babae na nagpakitang gilas sa larangan ng Abogasya – Atty. Analou A. Villeza. Isang halimbawa ng Juana na matapang makipagsapalaran ng siya ay nagpaalam sa MARIIS Head Office upang subukan na makapasok sa Office of the Provincial Governor ng Isabela, na siya namang napagtagumpayan bilang Supervising Administrative Officer.

Maraming ibinahagi si Atty. Villeza, na ang puno’t dulo ay ang kahalagahan ng pagtaguyod at pagsulong ng isang gender-aware, gender-sensitive, and gender- responsive environment, at ito ay walang dudang kasalukuyang ipinamamalas sa Opisina ng NIA Magat River Integrated Irrigation System.

Indeed, Women and Everyone (WE) can create a gender-sensitive and inclusive society!

Date: 
Thursday, March 21, 2024