ROTATIONAL IRRIGATION WATER SCHEME ISINAGAWA SA NDC

Sa isang pagtitipon at konsultasyon ng NIA-MARIIS Division III at mga magsasaka ng Council of Irrigators Association (CIA), napagkasunduan ang pagpapatupad ng Rotational Irrigation Water Scheme. Ito ay para lalong mapag-ibayo ang maayos na paggamit ng tubig para sa irigasyon. Para maipaalam sa mga magsasaka sa mga nasasakupang sakahan, naglagay ng mga karatula ang Opisina para sa kaalaman ng publiko.

 

Ang Rotational Irrigation Water Scheme ay napagkasunduang ipatupad para makasiguro ang ating mga magsasaka na may sapat na tubig sa ating irrigation canal habang kanilang isinasagawa ang kanilag top dressing activities.

Ang konsultasyon ay pinangunahan ni Acting Division Manager Engr. Isagani R. Concepcion, at mga kasamang sina Engr. Servillano E. Murao, Engr. Rizaldy B. Asuncion, at ng dalawang Area Engineers Engr. Derson B. Casiano at Engr. Jimmy F. Bato.

 

#mariisinaction
 

Date: 
Thursday, August 19, 2021