THE MAGAT DAM HAS NO EARTHQUAKE-RELATED DAMAGE

Yumanig ang kalupaan ng Northern Luzon noong Hulyo 27, 2022, ang epicenter ng lindol ay sa Abra. SA 7.0 magnitude na lindol, may mga buhay na nawala at maraming imprastraktura ang nasira.

Dahil ramdam sa Isabela ang lindol, ang isang pinapangambahan ng taong bayan, lalo na ang mga malapit sa Magat Dam ay ang kondisyon ng Dam pagkatapos ng pagyanig. Ang pangamba ay agad pinahupa ng pamunuan ng Magat Dam, sa pangunguna ng Department Manager Gileu Michael O. Dimoloy at Dam and Reservour Division Manager Carlo C. Ablan.

Base sa agarang inspeksyon ng MARIIS Management at technical personnel ng Dam and Reservoir Division, walang pinsalang naidulot ang lindol sa imprastraktura. Subalit para sa mas malalim na inspeksyon, ang Dam ay sinuring muli ng mga kawani ng NIA Central Office Dam and Safety Team, gamit ang mas makabagong mga instrumento. Ang malalim at maingat na pagsusuri ay tumagal ng halos isang linggo, dahil isinama sa pagsusuri ang mga kalapit na imprastraktura ng Magat Dam, kabilang ang Magat Dam Reservoir.

Ang mga obserbasyon ng Dam and Safety Team ay kanilang ibinahagi sa pamunuan ng MARIIS sa kanilang exit-conference noong Agosto 4,2022. Ang magandang balita: THE MAGAT DAM HAS NO EARTHQUAKE-RELATED DAMAGE. Nasa mabuting kaayusan po ang ating Magat Dam.

Ang ating NIA Administrator Benny D. Antiporda ay nagsusulong at susuporta kung may kailangang retro-fitting sa ating Magat Dam para lalong mapanatili ang katatagan at kaayusan ng Magat Dam. Hindi lang para sa lindol sa hinaharap, kundi sa ano mang kaganapan na maaring dulot din ng normal na operasyon ng Magat Dam.

#NIAParaSaBayan

 

Date: 
Saturday, August 6, 2022